CASE # 019: LET Application Guide


Hindi madali maging teacher. Hindi natatapos sa 18 units na CPE at demo teaching ang pagiging isang ganap na guro. Kailangan maging lisensiyado kang magturo.


The Licensure Examination for Teachers (LET) is scheduled twice a year (September and March). Pero bago ang lahat kailangan mo munang mag-file ng application sa PRC para makasama ka sa list ng nakaschedule na kumuha ng exam.


Step 1: Visit the PRC website



Online application and appointment na ngayon si PRC. It started last 2017 kung saan hindi mo na kailangan pumunta sa PRC at pumila buong araw para lang makumpleto ang application.


You can visit their website muna and choose a schedule. Fill out the PDF form ng important information mo. Make sure na tama ang pangalan at lahat ng information na ilalagay mo kasi iyon na ang pagbabasehan ng PRC from the moment you take the exam up to the release of your license and certification. Kaya kung mali ang spelling ng pangalan mo, tatlong taon kang magtitiis na mali ang pangalan mo sa PRC ID mo.


Requirement for initial online registration:


  • E-mail address (with password)
  • Mobile number
  • Personal data (including the date of graduation)
  • ID photo in .jpg format (soft file ito na ia-upload sa site)
  • Cedula (Residence Certificate Number)


Follow these:



















STEP 2: Payment and Validation


Once makumpleto mo na ang form, bibigyan ka ng reference number ng PRC. Iyon ang gagamitin mo para mabayaran ang application. Hindi ko na maalala kung magkano binayaran ko noon. Around Php 1,000 rin yata ang binayaran ko. May additional charges kasi sa Bayad Center ako nagbayad.



Pwede mo ito bayaran through their accredited payment channels. Pwede rin dun sa office mismo ng PRC. Pero I would suggest that you shell out a couple of bucks to cover for additional charges kesa naman maghapon kang pumila sa PRC para magbayad.


Kapag nakabayad ka na, you will need to wait until mapost ang payment mo at ma-validate ng PRC. That is the only time you will be able to print your Application Form. Nakalagay doon ang schedule kung kailan ka pwedeng pumunta ng PRC para i-file ang application at ipasa ang mga pertinent documents.





Step 3: Complete your requirements.


Bago ka pa tumapak sa gate ng PRC, siguruhin mo na kumpleto na lahat ng dokumentong dala mo. Ipaphotocopy mo lahat para sigurado at hindi ka na magpabalik-balik. Hassle iyon kapag pumila ka na ng matagal tapos ang end up kulang pala dala mo.

Usual requirements include:


  • Valid ID
  • Transcript of Records
  • Certificate of completion ng 18 units for non-educ grad
  • PSA Birth Certificate
  • PSA Marriage Certificate for married applicants (lalo na iyong mga nagpalit na ng apelyido)
  • Cedula (TIP: Kumuha na sa barangay ninyo para makamura. Ginto ang presyo nito sa labas ng PRC)
  • Passport size recent ID picture na may name tag at white ang background (NOTE: Bawal ang wacky at masyadong masaya sa picture. Kaya wag nang mag-Korean Heart or Japan-Japan pose. Pormal dapat at collared ang suot na pang-itaas. Bawal din ang selfie or iyong kinunan lang sa puting dingding. Kung magpapakuha man, siguraduhing pormal ang itsura nyo at walang vandal ang dingding.)
  • Window Envelope (NOTE: I suggest dun na lang kayo bumili sa PRC staff na nagtitinda sa loob. Baka kasi kapag nagdala kayo ng sa inyo sabihin na hindi iyon pwede kasi need nila makakota ng benta.)
  • Documentary stamps (TIP: May nagtitinda nito sa loob ng compound ng PRC mga around Php25.00 lang. Pag sa labas bumili nasa Php 30-35.00. Kaya kung gusto mo makamura sa loob ka na lang bumili)


Ito lang naalala kong requirements. Pero you can visit PRC website to make sure. Again, when dealing with government offices, mas mabuti na iyong sigurado. Kaya dalhin lahat ng papeles na meron ka. Di bale nang sumobra wag lang magkulang dahil hassle magpabalik-balik sa pagpila.


Step 4: Go to PRC on your assigned schedule.



PRC opens at 8:00 am. Pero alas-sais pa lang, nakapila na ang mga applicants sa labas ng gate. The early bird catches the worm ika nga.


Mas mabuti na rin iyong maaga ka para hindi masyado mainit. Mainit in all sense of the word. Hindi pa masyadong mainit ang panahon at hindi pa masyadong mainit ang ulo ng mga tao.


Una kang pipila sa labas ng gate. Sa dami ng applicants minsan abot hanggang Espana na ang pila. Kapag malapit na sa gate, ilabas ang printed application form para ma-check ng guard.


Tandaan. Sundin ang schedule ninyo. Kasi kahit anong lupasay niyo sa loob ng PRC pero hindi ninyo naman shedule, hindi pa rin kayo ia-accommodate. Pauuwiin lang din kayo ng guard at nga mga staff. Bilang na kasi per day ang kota ng applicants na ipaprocess nila. Kaya para walang eskandalo, sundin ang schedule ninyo.


Bawal ang kasamang hindi naman applicant sa loob ng PRC. So kung kasama mo ang Nanay mo, Tatay mo, Ate, Kuya, Chismosang Kapitbahay, at ang buong barangay, sa labas lang sila pwedeng mag-antay. Kaya mas mabuti kung ang kasama mo na lang ay iyong mga kaklase mo o kaibigan na kapwa applikante. Pwede ang jowa basta applicant din siya.


Pagpasok sa gate, may mesang nakalatag na nagtitinda ng documentary stamp. Doon ka pwedeng bumili. After noon, akyat ka na sa third ata or fourth floor ng isang building. I forgot the name. Pero pwede naman magtanong sa guard. May elevator pero siyempre medyo matagal dahil maraming applicants at employees ang gumagamit. I suggest maghagdan ka na lang.


Step 5: Verification of credentials



Sa loob ng office, may pila for verificatin. Ihanda lahat ng documents. Maging alerto rin kay Manong na namimigay nung parang registration card. You will need to fill out that card. Idikit na ang ID sa application form at dun sa registration card. Make sure na napirmahan niyo ang lahat ng space na kailangang pirmahan. Make sure rin to affix your right and left thumbmark.


Medyo mahaba ang pila sa part na ito kasi minsan halu-halo ang applicants. Merong for teachers, architects, engineers...depende kung sino ang kasabay niyong naka-schedule na magboard exam. May upuan naman at aircon so medyo komportable naman ang paghihintay. Iyon nga lang palipat-lipat ka ng upuan habang nagmo-move ang pila.


If you are a UP grad or CPE unit-earner, medyo matagal ang verification dahil may sariling clustering ng subject at subject code si UP. Iba kesa sa mga ibang school na pare-pareho lang ang code na ginagamit.


Step 6: Keep your Notice of Admission (NOA)



After ma-verify ang iyong credentials, pila ka ulit and wait for your name to be called. Ipiprint na ang iyong Notice of Admission (NOA). You will need to sign a few things bago mo ito tuluyang makuha.


Take note. NOA is life. Ito ang passes mo sa pag-enroll sa review centers at ito rin ang passes mo para makapag-exam. Mawala na ang jowa mo, wag lang ito. So hold on to it gaya ng pagkapit mo sa mahal mong hindi ka naman mahal.


I am not sure if they are issuing another copy of this pero mas maganda ipaphotocopy mo na ng mga 100 copies para sure.


Additional Tips:



  • Magbreakfast bago pumila or magdala ng pagkain at tubig lalo na kung mag-isa ka lang pipila.
  • Magdala ng black ballpen, paste, black pentel pen, at stamp pad. Meron naman available sa office ng PRC pero sa dami ng applicants agawan kayo. At least kung may dala ka na, hindi ka na aalis sa pila.
  • Wear comfortable clothes and footwear. Expect mo na pipila ka ng 2-4 hours. May mga upuan naman at aircon pero kasi ang umpisa ng pagpila mo ay sa labas mismo ng gate ng PRC so medyo mainit at nakatayo ka. Kaya wag ka nang mag-attempt na mag-OOTD. Pero huwag naman din iyong sobrang dressed down na para kang pinabili lang ng suka sa tindahan o kaya ay magsa-summer outing. Tandaan mo, teacher ka. Hindi batang hamog sa C5.
  • Bring pamaypay or portable electric fan. Kasi kung hindi ka sanay pumila baka himatayin ka na lang bigla. Mabuti na iyong sigurado.
  • Bring a lot of patience. Expect the unexpected kapag government office ang pupuntahan. Walang mangyayari kung paiiralin ang init ng ulo. 
  • Magload, magsubscribe sa unli data, at magdala ng powerbank. Para hindi ka mainip sa pila.
  • Be attentive always. Baka naman naka-noise cancellation headset ka nga hindi mo naman naririnig ang mga instructions nung mga PRC staff. O kaya umusad na pala ng isang kilometro ang pila hindi ka pa rin gumagalaw. Ingatan rin ang lahat ng dalang gamit. Huwag nang magdala ng mga gamit na mainit sa mata ng mga masasamang loob.


I applied for LET last 2017. Isang taon na ang nakalipas so pwedeng may nabago na rin sa procedure. Atsaka minsan ang procedure ay depende sa mga staff na nagpapatupad nito. Disclaimer lang dahil baka mang-away kayo sa PRC kapag hindi ganito ang naging procedure. Based lang naman ito sa na-experience ko when I applied. The rates and requirements may also change any time kaya better to visit their website from time to time or call PRC. Please see their contact details below:



 Good luck, Teachers!


#

Comments

Popular posts from this blog

CASE #046 | Romantic Evening at Firefly Roof Deck Bar

CASE #047 | Meteor Garden Then and Now