CASE #040 | Tips in Reviewing for LET
We are now halfway through August and if I am not mistaken, the
next LET exams would be scheduled this September. Kinakabahan ka na ba?
Dapat lang. Kasama iyan sa excitement ng LET journey mo.
Hindi ka nag-iisa. Lahat ng mga sumubok mag-LET pinagdaanan ang pinagdadaanan
mo ngayon. Kapit lang, Bes! Kaya iyan. Yes, you can!
From a former LET taker and a LET passer, allow me to share
some tips in reviewing for LET.
1. Extra Effort Na, Bes!
Kung noong July ay tatamad-tamad at pasilip-silip ka lang sa
reviewer mo, I suggest na mag-double time ka na ngayon. Mas titindi ang
pressure mo kapag tumuntong na ang kalendaryo sa September. Kaya hatiin mo na ang
natitirang araw ng August para sa review time mo. Kung dati ay isa or dalawang
oras lang per day, mas maganda kung dodoblehin mo na.
2. Mangoleksyon na ng reviewers.
Kung nagre-review center ka, I’m sure may mga reviewers na
provided ang review center mo for you. Kasama naman kasi iyon sa binayaran mo.
Pero hindi masamang humanap ka rin ng kopya ng ibang reviewers mula sa ibang
review centers. Hindi ko pino-promote ang plagiarism. Hindi mo naman siguro ibebenta
at pagkakakitaan iyong reviewers, di ba? May ibang questions kasi sa ibang
review centers na wala sa reviewers ng review center mo and vice versa.
Sa pagkakaalam ko kasi, hinihingan din ng PRC ng questions
ang mga kilalang review centers na gagamitin sa LET lalo na sa General
Education. Kaya mas maganda kung aware ka rin sa mga questionnaires ng ibang
review centers. Malay mo may isa o dalawa dun ang lumabas sa LET. It can make a
difference sa score mo.
3. Notes, Notes, Notes!
Proven naman ng mga studies na mas malaki ang chances na
ma-retain sa memory natin ang mga bagay-bagay na sinusulat natin. Kaya take
note mo lahat ng formulas, keywords, ACRONYMS, anagrams, at kung anu-ano pang
important details. Isulat mo sa index cards, Manila Paper, or sticky notes at
idikit mo sa dingding ng kwarto mo. Para kahit nagbibihis ka or pagkabangon mo
pa lang sa umaga nakikita mo na agad sila.
4. Highlight Galore!
Napakyaw ko na yata lahat ng kulay ng highlighter sa
National Bookstore nung nagre-review ako. May codes pa ako para sa bawat kulay.
Iyong main word or term ibang kulay, iyong definition iba rin. Iyong examples
or enumerated bullets iba rin. Kaya kapag tinignan mo ang reviewer ko, makulay
ang buhay!
Nakakatulong din iyon kasi nakakagising ang mga kulay ng
highlighters. Kapag nagbabasa ka, hindi ka agad aantukin or mawawala sa
binabasa mo.
5. Gumamit na ng answer sheet.
Mas maganda kung gagamit ka na ng answer sheet sa
pagsasagot. This way masasanay kang mag-shade ng mag-shade dahil during exam
day, buong araw kang magshe-shade ng sagot. Hindi rin biro iyon ha.
Nakakangawit at nakakamanhid ng kamay. Nakasalalay din sa shading ang pagpasa
mo. Kasi kapag lumampas ka sa circled area or hindi masyadong dark ang
pagkaka-shade mo, pwedeng mag-skip ang machine sa pagche-check.
Kaya magpa-photocopy ka na ng maraming answer sheets at dun
na mag-practice magsagot. Train mo na rin ang sarili mo na magsagot ng walang
erasures, mabilis, at maingat. Sacred ang answer sheet. Hindi dapat madumihan,
mabasa, or worse, mapunit. Kaya pag-aralan mo na kung paano makakapag-shade at
sagot ng maayos.
Gumamit na rin kayo ng number 2 pencil. Para masanay din
kayo sa kapal or nipis ng lead ng pencil na ito. You can try more than just one
brand. Para mahanap mo kung saan ka mas komportable. Pati na rin sa eraser.
Test-ingin mo na ang eraser na effective pambura ng black marks na hindi
marurumihan or masisira ang answer sheet.
6. Mag-review sa lahat ng klase ng environment.
Alam ko kanya-kanya tayong ritwal ng pagre-review. Merong
gusto tahimik na tahimik. Para maka-focus at fully concentrated. Iyong iba
gusto may music para nakaka-relax. Iyong iba naman matao at maingay para hindi
antukin.
Do not stick to one review habit. Subukan mong magsagot ng
drills sa maingay na lugar kung sanay ka sa tahimik. Kung air-conditioned naman
ang kwarto mo, subukan mong magsagot sa kwartong walang air-con at walang
electric fan. Kung music lover ka, try mo magsagot ng drills ng walang music.
Kung trip mo maingay, try mo naman sa tahimik.
Bakit?
Kasi PRC ang mag-a-assign ng examination rooms. May chance
na mapunta ka sa mga public schools na walang air-con o electric fan man lang.
Meron akong friend na ganyan. Naglalapot na ang kili-kili niya sa sobrang init.
Alternate ang pagpapaypay at pagsasagot. Kaya ngayon pa lang ikondisyon mo na
ang sarili mo.
Bawal ang cellphones o kahit anong electronic gadget sa
testing center. Kaya walang means para magpatugtog ng music. At kung meron man,
tiyak na hindi ka papayagan ng proctor. Kaya sanayin mo na ang sarili mong
magsagot ng walang kasabay na playlist.
Meron akong isang friend, na-assign sa exam room na may
katabing construction site. Dahil Linggo, pahinga ang mga workers. Pero meron
naman silang lunch salu-salo. Kaya ayun, nagsiga at barbecue sila sa site na
ang usok pasok sa classroom ng exam room nila. Not to mention ang ingay ng
nagvi-videoke sa barangay. Sumakit ang ulo niya dahil sobrang distracting ng
paligid at sanay siya sa tahimik na room.
Ako naman, napunta sa classroom na ubod ng lamig. Iyong
nakatutok sa likod ko ang air-con. Iyong kamay ko nanginginig hindi sa kaba
kundi sa sobrang lamig. May dala naman akong jacket na may hood. Pero bawal
kasi mag-hood dahil kailangan nakikita ng proctor ang pagmumukha mo. Kaya medyo
tiis-ganda talaga.
Meron ding mga desk or armchairs na baku-bako at uka-uka na.
Iyong tipong mabubutas ang kahit anong papel kapag nagsulat ka. Lahat talaga ng
klaseng distraction pwede mong ma-encounter during exam day. Kaya mas maganda
if magiging mas flexible ka.
7. Time yourself.
Subukan mo nang magsagot ng naayon sa time limit ng mismong
exam. Hindi ko na masyadong matandaan pero parang 2 hours yata for General
Education and 3 hours for Professional Education. Pwede niyong i-confirm ito sa
mga review centers na pinag-re-review-han ninyo or sa mga kakilala niyong
nagre-review doon. Another 3 hours yata kung may Specialization which is
applicable sa mga Secondary Teachers.
Mas magandang ngayon pa lang ay masanay na kayo para
mabawasan ang pressure sa mismong day ng exam. This way, maba-budget niyo ng
maayos ang oras niyo per subject or per question. Makaka-discover rin kayo ng
mas mabilis na paraan ng pagsagot na komportable sa inyo.
Meron akong ibang friends mas prefer nila sagutan muna sa
test booklet tapos saka ishe-shade sa answer sheet. Para nga naman walang
erasures talaga at maingatan ang answer sheet. Ang downside lang is kung maubos
na ang oras mo at magmamadali kang mag-shade. May chance na magkapalit-palit
ang mga sagot mo dahil sa sobrang pagkalito.
Nasa iyo na iyon. Subukan mo na ngayon kung anong technique
ang sa tingin mo mas workable for you.
8. Pati pagkain sanayin mo na rin.
May nag-tip sa akin noon na kung ano raw ang lagi kong
kinakain noong nagre-review ako, iyon din daw ang baunin ko on the examination
day para raw mas matrigger ang memory ko at maalala ko ang mg ani-review ko.
Wala namang mawawala kaya sinunod ko na rin. Hopiang monggo na galing Tipas ang
kinakain ko nun. Kaya iyon din ang baon ko noong exam day.
Kung bet niyong sundin ang tip na ito, kayo ang bahala. Ang
sa akin lang, anuman ang pagkain at inumin ninyo, pag-aralan niyong kainin iyon
nang hindi nadudumihan ang answer sheet. Aabutan ka rin kasi ng gutom during
the exam day. Hindi naman bawal kumain ng snacks during the exam. Kung kaya
mong kumain ng kanin at ulam na hipong binabalatan pa ang ulam mo, go! Basta
ang importante, malinis at walang bahid ang answer sheet.
9. Take note of keywords within the question.
Ang test booklet pwedeng sulatan. Kahit anong gusto mong
isulat diyan pwede. Pero may ibang proctor na ayaw ipasulat ang formula sa
booklet. Case to case basis ito.
Ang tip ko is bilugan, underline, or anu pa man. Basta
markahan mo na agad ang keyword sa question. Kung my NOT, NON-, WITHOUT,
NEITHER, or any word that connotes na opposite ng tanong ang sagot, markahan mo
na rin. Para kapag nagbasa ka na ng choices, hindi ka na malito. Ma-eliminate
mo na agad iyong choices na wala namang connection sa keyword or hindi naman
kabaligtaran ng nasa tanong.
Ganun din sa choices. Ekisan or markahan mo na agad ang
choices na obvious namang hindi tama. Distractors lang iyon at pampagulo.
Normally, may maiiwang dalawang sagot diyan na mukhang parehong tama. Lalo na
sa Professional Education. Basahing maigi ang dalawang choices na matitira pati
na rin ang tanong. Based sa keyword na minarkahan mo, alin dun ang
pinakamalapit o pinakakumpleto? Iyon ang piliin mo.
Huwag na huwag ka ring sasagot ng E. Ang sagot na iyon ay
inilagay upang lituhin ka lang. Walang sagot na E. Lahat ng tanong, no matter
how ridiculous it may sound, has an answer. If worse comes to worst, hulaan mo
na lang. Pero never answer E.
10. Befriend your Scientific Calculator.
Utang na loob, Bes. Huwag namang calculator na pampalengke
ang gamitin mo. Iyong kada pindot mo ng keys ay may tunog. Hindi naman
ipinagbabawal iyon pero napakaingay at nakaka-distract. Baka pati ikaw malito
sa pinagpipindot mo. Saka magtatagal ka lang sa pag-compute kasi may mga
scientific calculators na kayang mag-compute in fraction form. Iyong hindi ka
na kailangang mag-convert into decimal. Meron ding kaya ang mga polynomials at
yung PEMDAS.
Invest ka lang ng kaunti. O kaya ay manghiram sa kakilala.
Mas maganda kung ngayon mo na hiramin or bilhin para mapag-aralan mo ang lahat
ng functions at maging familiar ka sa paggamit nito. Kasi kung mismong exam day
mo hihiramin, baka malito ka lang lalo. Nangangain ng tanga ang scientific
calculator!
Merong mga specific brands and models ng calculator ang allowed lang ng PRC. You can check their site o kaya naman ask your review
center for it.
Sana ay makatulong ang mga tips na ito sa inyong pagre-review. Watch out for more posts regarding LET at kung may mga tanong kayo, you can comment on this page. Subscribe na rin to stay updated sa mga posts ko maski iyong hindi tungkol sa LET.
Good luck, LETers!
#

Comments
Post a Comment