CASE #041 | Job Hunting Then And Now
I’m back to being unemployed. After more than a decade of
working it was a breath of fresh air for me.
Imagine?
Hindi na ako nagmamadali sa umaga. Hindi na ako kailangang
makipagdigma sa MRT. Hindi na kailangang bumiyahe kahit bumabaha at bumabagyo.
Hindi na kailangan makipag-marathon para maabutan lang ang grace period sa
biometrics.
Chill na lang. Kumain at magkape sa oras na trip mo.
Magpalit ng routine every day. Hindi na rin kailangan maligo every day! (Yuck!)
Hindi na kailangan mamroblema kung anong susuotin or kung bad hair day ka ba.
Buhay Tambay
Freedom!
Well, masarap sa umpisa. Masarap kung suportado ka ng
parents mo at okey lang sa kanila na pakainin ka, patirahin ka, at bigyan ka
ulit ng allowance. Masarap kung single ka at walang binubuhay na pamilya.
Masarap kapag marami kang ipon. Masarap din kung nakapangasawa ka ng mayaman at
sustentado na lahat ng pangangailangan mo.
Pero kapag bumilang na ng buwan ang pagiging unemployed,
minsan nakakaburyong. Gusto mong lumabas with friends pero wala kang budget.
Unless, matapang ang apog mong manghingi sa parents. Masaya lahat pag sweldo,
ikaw hindi kasi iyong sweldo ni Hubby, sakto na lang sa bills ninyo. Wala nang
extra.
Ang masaklap sa lahat, kapag unti-unti mo nang nakikitang
nauubos na ang savings mo at lumalaki ang bills ng credit card mo. Medyo
nakaka-depress na rin.
Back to Job Hunting
I am back to job hunting once again. Medyo nakakapanibago
kasi matagal na rin naman since last ako naghanap ng trabaho. Iyong last two
jobs ko kasi hindi ko naman hinanap. Ni-refer lang ako ng mga kakilala at
nag-apply ako. Ngayon lang ulit ako talaga babalik sa paghahanap at pagpapa-pogi
points sa resume.
Buti nga ngayon pinadali na ang job hunting. Noong panahong
fresh graduate pa lang ako (circa 2002), namamakyaw ako ng broadsheet
linggo-linggo!
Bago pa lang kasi ang Jobstreet nung time na iyon kaya hindi
pa lahat ng company ay nag-a-advertise ng hiring sa Jobstreet. Talagang
kailangan mag-invest ka sa mga broadsheets. Sila kasi ang may maraming space
for classified ads lalo na ang Manila Bulletin.
Iniisa-isa ko noon ang lahat ng ads. Either ginugupit ko or
kinokopya ko sa maliit na notepad. Hindi pa uso ang e-mail noon. Kaya personal
kang pupunta sa bawat kompanya para magpasa ng resume na may cover letter.
Noon pa lang natutunan ko nang pagkasyahin lahat ng
background at qualifications ko sa dalawang pages na resume. Mahal kasi
magpa-photocopy or mapa-print ng clear copy. Sampu-sampu kung mag-reproduce ako
noon ng resume. Isa para sa bawat job opening na nakita ko sa classified ads.
Pagkatapos isa-isa ko ring pupuntahan ang mga kompanya na
iyon. Sa isang araw, pinaplano kong maigi ang itinerary ko.
Isang araw para suyurin ang buong Makati. Isang araw naman
para sa Quezon City. Kadalasan, nakakaisa or dalawang kompanya lang ako sa
isang araw. Kasi minsan mahaba ang pila ng applicants at matagal ka maghihintay
bago ma-interview. Minsan naman, kukunin lang ang resume mo tapos sasabihin
tatawagan ka na lang for interview.
Hindi uso ang one-day process noon. Mauubos ang pamasahe mo
dahil magpapabalik-balik ka talaga.
Imagine?
Naglalakad ako along the streets of Makati nang
naka-corporate attire at naka-high heels? Ang init na, ang sakit pa sa paa.
Baguhan pa lang ako noon at hindi ko pa kabisado ang pasikut-sikot sa Makati
pati na rin ang loading at unloading zones. Kaya lakad pa more ang drama. Kaya
heto, varicose veins at masakit ang tuhod at the age of 30 plus.
The Dawn of the Search Engines
Salamat naman at nauso ang mga job search websites. Unang
nausong job search website noon ang Jobstreet at JobsDB. Digital version ng
classified ads. Nakasulat na roon ang position, requirements, qualifications,
at brief description ng ina-apply-an mong trabaho. May added features pa kasi
pwedeng sa site nila mismo ka mag-upload ng resume, cover, letter, at mga
important information mo. Click mo lang ang apply and presto! Mapapadala na sa
companies ang resume mo.
Hindi na rin kailangan magronda sa buong Makati, Ortigas, at
Quezon City. Kasi pwedeng through e-mail na lang magpadala ng resume,
portfolios, at iba pang documents na kailangan for application. Meron ngang
ibang company na may sariling portal at doon ka mismo mag-fill up ng background
information mo.
One-Day Process
Nauso na rin iyong one-day processing. Kadalasan itong
ginagawa sa mga contact centers at BPO.
Pupunta ka lang sa opisina nila sa umaga tapos isasalang ka na
sa initial interview, exams, hanggang final interview, tapos job offer na agad.
Pag-uwi mo sa hapon, alam mo na agad kung may trabaho ka na ba or better luck
next time. Tipid sa pamasahe at bawas stress din sa kakaantay ng results.
Kapag sinuwerte ka, pwede ka ring magka-encounter ng company
na merong signing bonus. Meaning kapag nakapasa ka sa evaluation nila at nakapirma
ng job offer, may matatanggap ka agad na cash or incentive na pwedeng gadget,
GC or kung ano pa man.
Meron naman iyong nag-o-offer ng libreng food and ride.
Libreng Grab papunta or pauwi. At least, hindi ka gumastos sa pamasahe at pagkain.
Meron ding companies na nag-o-offer ng reimbursable na
medical basta magpakita ka lang ng resibo. Kadalasan kasi mahal magpa-medical.
Minsan yata sagot pa nila ang expenses mo sa pag-process ng ibang requirements
like NBI Clearance, SSS ID, or TIN.
Contact Centers and BPO
Ang pinakamaraming opening ngayon sa mga job searching
websites ay iyong mga positions sa mga Contact Centers and BPO. They offer
above minimum compensation, additional incentives, HMO and medical packages for
you and for your family. Kaya naman talagang nakakaengganyo mag-apply sa
kanila.
Hindi rin sila namimili ng educational background at edad.
Basta marunong ka mag-English, may basic to intermediate computer skills, at
willing to learn, pwede ka mag-apply.
Siyempre sasalang ka muna sa screening. Maraming series of
interviews, may exam din na pwedeng pen and paper or digital. Mas may advantage
kung may experience ka na sa customer service kasi mas may bala ka to bargain
for a higher rate.
Sa totoo lang, naging isang malaking game changer ang mga
contact centers at BPO sa workforce natin dito sa Pilipinas. Binago talaga nila
ang way of life ng mga Pinoy.
Dahil shifting ang schedule sa mga BPO at kadalasan ay night
shift, may mga biyahe na ng pampasaherong jeep or tricycle kahit dis oras ng
gabi. Iyong mga fastfoods bukas na rin ng 24 hours. Pati mga karinderya at
tindahan.
Kaya nga rin siguro pumatok ng husto ang mga Transport Network
Vehicle Service (TNVS) tulad ng Uber at Grab ay dahil sa mga BPO workers natin.
Dahil paiba-iba nga ng schedule, mas convenient iyong meron ka agad makukuhang
sasakyan lalo na kapag holidays.
Ang maasakit lang kasi they are often looked down to. Iyong
tipong kapag sinabi mo na sa call center ka nagtratrabaho, parang may judgement
agad. Minsan mismong mga kamag-anak mo pa. Iyong bang parang ang laking
panghihinayang nila dahil sa call center ka napunta.
Well, to be honest, nakakahinayang naman talaga. Kasi marami
akong kilalang magagaling na registered nurse, engineer, licensed teachers,
architect, accountants, atbp. na nasa contact center at BPO industry. Sayang
kasi our country badly needs their expertise sa field na tinapos at
pinagkadalubhasaan nila.
Pero harapin din natin ang masaklap na katotohanan na ang
mga professionals din na ito ang mga underpaid professionals dito sa bansa
natin. Kaya it’s either we lose them sa mga BPO companies, or we lose them
through migration. Either dito sila sa Pilipinas kasama ng pamilya nila at nagtratrabaho
sa BPO or mag-abroad sila to practice their profession.
May mga pamilya rin kasi silang binubuhay at umaasa sa
kanila. Kaya kailangan nila ng makatarungang sweldo na sasapat sa
pangangailangan ng pamilya nila. Dagdag pa ang mga benefit at incentive na
hindi rin naman kayang i-offer sa talagang field nila. Bagay na hindi natin
alam kung kailan mag-i-improve para sa mga respective professions nila.
Madugo rin ang pag-a-apply sa field of profession nila. Like
me. Licensed teacher ako at pinagdaanan ko ang proseso ng pag-apply as a public-school
teacher. Sa totoo lang, madugo. Maraming biases, politika, inconsistencies sa
guidelines, at matagal ang paghihintay bago ka tuluyang matanggap,
makapagsimula, at higit sa lahat, sumuweldo. Kung hindi ka matatanggap, hindi
mo rin alam kung bakit. No explanation.
Dekada na ang ganitong kalakaran kaya mahirap mag-expect ng
pagbabago. Lalo na at kung sila-sila rin ang mga nasa posisyon at siyang magpro-process
ng papers mo. Improvement na nga ngayon na may nakikita na akong government job
posting sa Jobstreet. Pero hindi ka pa rin pwede mag-apply online kasi
kailangan pa ring personal kang magpunta sa office nila dala ang napakaraming requirements.
Matagal-tagal pa siguro bago mag-improve ang Sistema at
proseso.
For now, enjoy ko na muna siguro ang pagiging house wife.
Comments
Post a Comment