Nag-reboot. Nag-update. Nagparamdam. Version 2.0 na ang Tita n'yo! I have been in the blogging circuit since circa 2004. Yes, I am a certified Tita. I discovered blogging noong hindi pa uso ang blogspot. Noong panahong kailangan may alam ka sa HTML scripting at coding bago makapagpost ng isang matinong blog entry. Pre-millennial times Sabi nila, those who were born from 1980 onwards are considered as "The Millennials." Pero sa totoo lang, most of the titos and titas na ka-batch ko tend to disagree. We would like to consider ourselves as pre-millennials. Kami iyong generation na naglalaro ng sipa, piko, patintero, taguan, agawang base, at langit-lupa sa gitna ng madilim na kalsada dahil uso pa ang black out noong 90's. Kami iyong generation na tumatakbo pauwi ng bahay kapag 4:30pm na dahil Ang TV na. Pero inabutan din naman namin ang That's Entertainment kaya marami rin kaming kilala sa Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, at Friday group. Kam...
Comments
Post a Comment