CASE #031: 10 Things I Miss About High School



I have been out for a couple of days doing some errands. Dahil mahal ang Grab, I went back riding the good old jeepney. Nagkataon uwian na pala ng mga estudyante kaya pala may konting hirap na sa pagsakay at punuan na ang mga jeep. 


Pero okey lang kasi na-enjoy ko naman ang mahabang biyahe. I enjoyed watching these teenagers wearing their school uniforms and talking about their first day of school. Na-miss ko tuloy ang high school days ko.


I went down to memory lane to reminisce what I miss about high school. Here are 10 things that came into my mind:


1. Bench cologne, Nenuco, Angel’s Breath, Polo Sport, Cool Water. 


Ito iyong mga panahon na pare-pareho kami ng amoy na magkakaklase. Kasi pareho kaming naka-Bench 8. Ito iyong mga panahong bagong labas ng Bench ang mga body spray nila at ang pinakapaboritong scent ng bayan dun is either 8 or iyong Atlantis.




Sa mga kaklase mo namang kikay, Angel’s Breath at Nenuco naman ang uso. Lagi itong laman ng bulsa ng uniform nila kasi maliit ang bote nito. Meron din itong powder version. Kaya kapag lunch break o kaya PE, laging amoy Angel’s Breath sa CR ng girls.


Pero para sa mga nakakaluwag-luwag kong classmates, Polo Sport at Cool Water ang labanan. Lalo na sa mga lalaki. Kaso noon hindi pa uso ang mga online sellers, Shopee, at Lazada. Kaya para maka-score ka nitong mga pabangong ito, dapat may kamag-anak ka sa abroad na magpapadala sa iyo o kaya naman member ng Duty Free Fiesta Mall sa NAIA, Subic, or Clark ang isa sa pamilya mo.




2. Personalized Pamaypay



Ito iyong wooden fan na iba-iba ang kulay at punumpuno ng vandal ng mga pangalan ng tropa, lahat ng members ng tropa, at dedication ng bawat isa kanila. Cool ka kapag maraming sulat ang pamaypay mo. Ibig sabihin marami kang friends at “belong” ka sa tropa. 




Pero kung wala ka namang tropa, papaburdahan mo na lang ng pangalan mo or pangalang ninyong mag-jowa ang pamaypay mo. Tapos kapag na-loose thread na yung parang screw na nagdudugtong sa bawat stick or stem, tatalian mo ng Sanrio (jelly rubberband) para hindi tuluyang magkahiwa-hiwalay at magamit mo pa rin kasi nanghihinayang ka sa pirma at dedication ng tropa mo or dun sa gastos mo sa pagpapaburda.




3. Colorful Face Towel


Pabonggahan din ng face towel. Iba-ibang kulay araw-araw. Minsan katerno pa ng pantali ng buhok at pamaypay mo. Tapos isasalaksak mo sa bulsa ng uniporme mo at ilalawit mo iyong kaunting part para “cool”! 


Image Source: https://ph.carousell.com


Sa mga masa lang, generic na towel lang pwede na. Pero sa mga yayamanin, siyempre dapat Bench. Tapos pabuburdahan mo rin ng pangalan para personalized at kapag naglakad ka sa campus, paiikutin mo sa kamay mo para astig!



4. NBA Cards Collection. 



Iyong tuwing recess at lunchbreak, nagkukumpulan ang mga kaklase mong lalaki kasi kanya-kanyang yabangan ng NBA cards. Pamahalan at pabonggahan. Siyempre winner ka kapag meron kang Michael Jordan card with his trademark slam dunk pose. 


Image Source: http://prohoopsjournal.com


Talaga namang titiisin nila ang gutom at uhaw makaipon lang ng pambili ng mga cards na ito. Mark these names: Scottie Pippen, Larry Bird, Dennis Rodman, Karl Malone, Shaquille O’Neal, Grant Hill, Patrick Ewing, etc. Sila ang mga bestsellers at talaga namang collectibles.



5. Guess socks at gusot na socks



Hindi ko alam kung bakit nauso noon ang medyas na may question mark sa loob ng nakabaligtad na triangle. Dahil isa akong mahirap hindi ko alam na logo pala iyon ng Guess at nang subukan kong bumili, hala…Php100.00 ang isang pares! Anong meron sa medyas na ito at ang mahal? Pero halos lahat ng classmates ko ganun ang medyas.

Image Source: http://1000logos.net


Image Source: http://1.bp.blogspot.com



Meron pang isang kabaliwan sa medyas noong high school. Ito iyong bibili ka ng medyas na pagkataas-taas tapos hihilahin mo pababa hanggang sakong para magusot. Lakas trip talaga. KJ ka nun kapag sports socks ang gamit mo at maigsi agad.. Dapat iyong mahaba at dapat ibaba mo ng ganung style. Mas madaming gusot, mas cool!



6. Tretorn at Benetton sneakers



Nauso ito tuwing PE class sa mga babae. Cool ka kapag Tretorn ang sapatos mo. O kaya naman iyong sneakers ng United Colors of Benetton na iba-ibang kulay. Pasok pa rin naman ang Chucks pero para sa mga punkista. Punks not dead!



Image Source: https://www.reddit.com

Image Source: https://www.flipkart.com


Tapos kailangan marumi. KJ ka kapag malinis ang sapatos mo. Kaya kahit bagong bili, dudungisan mo talaga para mas astig!



7. Giordano and Hang Ten Shirts


Giordano, ang pambansang t-shirt ng mga batang 90’s. Iyong tao ang logo tapos iba-ibang kulay. Ang soft naman kasi ng fabric nitong t-shirt na ito kaya sobrang comfortable suotin. Perfect sa maiinit nating weather. Tapos kailangan one size bigger para hiphop. Mas loose, mas maporma. Kung hindi mo naman ang t-shirt, merong Giordano polo shirt. Iyong may palakang logo. Long back pa minsan sa likod. Mas mahal ito kesa dun sa t-shirt kaya mas yayamanin ang dating kapag ito ang suot mo.


Image Source: https://www.flipkart.com


Tinapatan naman ito ng Hang Ten. Iyong t-shirt na may footprint na logo. Kasing lambot din ng Giordano ang fabric nito at kasing comfortable. Again, meron din itong polo shirt version para sa mga sosyal.



8. Medyas at Sandals or Slippers



Pormang-porma ang dating mo kapag ganito ang suot mo sa school. Tapos kailangan ang medyas mo Guess or kaya Tommy Hilfiger na putting-puti. Para kitang-kita kapag naglalakad ka na sa campus. Tapos iyong sandals mo dapat Planet, Adidas, Nike, Tribu, o kaya World Balance. Pwede rin Birkinstock na itim . Basta kailangan black and white para contrast sa medyas. Corny kapag itim ang medyas mo. Nauso rin iyong neon socks kaso may konting judgment. Pang jologs lang daw kasi iyon.



Image Source: http://www.whoputmyipadinthedishwasher.com



9. Butterfly clips at Macarena Beads



Ito ang Jolina Magdangal syndrome. Kapag sosyal ka, isang butterly clip lang tapos mangilan-ngilan na Macarena beads sa buhok. Pero kapag mukhang butterfly sanctuary at abacus na ang buhok mo sa dami ng butterfly clips at Macarena beads na nakasabit dito, jologs ka na.


Image Source: https://www.facebook.com



10. Hanson, Moffats, Backstreet Boys, N Sync



Labanan ng mga boybands. Hindi rin mawawala yong mga kaklase mong lalaki na kung maglakad sa hallway ay laging lima-lima at kung makatambay sa hagdanan akala mo may pictorial ng album cover. Iyong mga kaklase mo namang babae, may nakaipit na picture nitong mga boyband na ito sa notebook or binder nila. Tapos laging may mga dalang Walkman at ang tape na nakasalang, isa rin sa mga boyband na ito. Tapos pag field trip, at tinugtog sa bus ang kanta nila, buong bus nakikisabay sa kanta. Akala mo may party sa loob.


Image Source: https://www.esquire.com


High school days will always be memorable for me at ang 90s will always be my favorite decade of all time.


#

Comments

Popular posts from this blog

CASE #046 | Romantic Evening at Firefly Roof Deck Bar

CASE #047 | Meteor Garden Then and Now