CASE #05 | Holy Week at Tagaytay Part 1
I have been meaning to blog about this. Bago pa tuluyang mapanis ang experience. Pero minsan sadyang umaatake ang katamaran at iyong feeling na blogging is such a millenial thing to do. In short, Tita syndrome.
Pero bago pa nga tuluyang mapanis ang lahat at atakihin ako ng dementia eto na. For the past three years, itong taon lang na ito ko na-experience ulit ang long vacation ng Holy Week. Three years din kasi ako sa BPO at sa mundo ng BPO, ang Holy Week ay hindi bakasyon. Ito ang panahon na dapat nagsisipag ka talagang pumasok dahil red letter day ito sa kalendaryo. Meaning, double pay.
Kaya naman now that I have a chance to enjoy the Holy Week ay nag-schedule na talaga ng lakad. Dahil ayaw raw ni Hubby ng mahabang travel kasi wala naman kaming sasakyan, I thought of the nearest place to be na maganda ang view, mae-enjoy ng mga bata, at maraming masarap na kainan. Saan pa ba kundi sa second summer capital of the Philippines...Tagaytay!
Our Itinerary
Normally, balikan lang kami lagi kapag pumupunta ng Tagaytay. Biyahe, kain bulalo, tambay sa Starbucks, then biyahe pauwi. Pero dahil nga may kasama kaming mga bata, it would be better if we could stay for the night para mas mahaba ang time to go around the place. I decided to book three days and two nights stay sa isang unit ng Wind Residences condo.
I booked it through AirBnb and the owner's name is Julie. Maganda naman ang reviews sa kanya at siya na lang ang available ng Holy Thursday until Black Saturday. True enough, madali naman siya kausap kasi mabilis siya magreply kapag minemessage siya through the AirBnb app. All my questions are readily answered.
| Image source: Screenshot from AirBNB |
The plan was to travel early morning iyong tipong madaling-araw since I expected na maraming tao sa bus station. Then either kumain muna sa Mahogany Market at magpunta ng Picnic Grove para tumambay until check in time (2:00pm). Then pahinga after check-in, swimming ang mga kids with sis-in-law while hubby and me buy groceries, then dinner. Tapos the next day would be either Residence Inn Zoo or Sky Ranch for the kids. Then dinner and rest. Our last day would be for tambay and chilling until check-out (12:00nn)
Pero just like any other travels, may mga glitches along the way that will change your itinerary.
En Route to Tagaytay
We left our house in Pasig at around 4:30 am. Travelling with me was my husband, her twin sister, and her twin's two makulit but lovely daughters. We took a Grab car going to the bus terminal in Pasay. This is located right beside the MRT Taft Avenue Station at the back of Mcdonald's. Buses here are going to Batangas and would pass by Tagaytay. There are also airport shuttle buses if you wish to go to the airport.
Expected ko naman na maraming tao dahil Holy Thursday iyon. Pero nagulat pa rin ako sa haba ng pila. Nakakaloka pa rin ang dami ng tao. Pahirapan pang hanapin kung saan ang dulo ng pila dahil nakailang ikot na iyon sa baba ng hagdan ng MRT overpass. Iyon lang ang nakakalungkot minsan sa mga bus station. Alam nila na dagsa ang tao pero wala silang pakialam sa pila. Walang sistema. Kanya-kanya. Kanya-kanyang singit din!
Alas-siyete na ng umaga nasa pila pa rin kami. Bumili na ako ng breakfast sa Mcdo para makakain naman kami kahit nakapila. But then we decided to take the next bus that passed by our queue. Standing room only pero nagtiyaga na kami. Nakakaawa lang talaga ang mga batang kasama namin. Nagawan na lang ng paraan na paupuin sila sa mga bag naming dala.
May bumaba naman sa bandang Dasma kaya nakaupo na iyong isang bata. Pero ang sumunod na bumaba ay bandang Silang pa. So medyo matagal din kaming nakatayo. Ang nakakaloka, may mga kadalagahan pang nakikipag-unahan sa upuan samantalang nakita naman nilang may kasama kaming bata!
To be continued...
Comments
Post a Comment