CASE #032: Officially .com
I have now acquired my own domain name for this blog. Hooray!
Dream come true. Noon ko pa pangarap magkaroon ng sariling domain. Ever since nagsimula akong mag-blog (circa 2004). Kaya lang noong araw, medyo mahal pa ang bumili ng domain name. Kaya iyong mga legit na nangangailan lang ng website ang can afford. Iyong may mga business na pinopromote online. Eh, isang hamak na blogger lang ako noon.
Well, hamak pa rin naman din ngayon kasi wala naman akong kinikita sa blog na ito. Wish ko nga sana ma-approve sa Google Adsense para ma-monetize naman kahit papaano pero mukhang matagal pa siguro.
Hati feelings ko about having this blog monetized or not. Kasi this would mean na kailangan medyo marketable ang mga posts ko. Meaning kailangan may specific topic lang akong i-cover kung gusto ko ng magandang ranking sa mga search engines. Dapat pasok sa SEO para makaroon ng traffic ang site. In short, para mapansin.
Aaminin ko, siyempre gusto ko rin naman pagkakitaan ang pagsusulat. Sino ba naman ang hindi gustong kumita? Lalo na ngayon at unemployed ako.
Pero mahirap din kasi kailangan maging controlled ang style ng writing pati ang content. Kailangan iyong naayon sa panlasa ng mga search engines. Hindi nga naman kayang mag-analyze constructively ng mga codes. Kailangan keyword specific. Kailangan programmable. Encodable. If there is such a word.
Nakaka-miss iyong mga panahong malaya ka to just express yourself. You can rant, talk about whatever you like and actually have followers who enjoyed reading you. Ni hindi mo na nga kailangan ng pictures kasi pagandahan ng pagsusulat ang labanan. Merong poetic, merong comedic, meron din namang kabaklaan lang.
Simple lang noon ang blogs. Self-expression lang. Platform lang to express. Kahit nga simple lang ang lay-out. Pero ngayon, pagandahan at pabonggahan ng design ang labanan. Pati sa mga pictures, kailangan professional ang dating. Pagandahan ng filters, lens at kung anu-ano pa.
Oh well, I wish I could still enjoy writing a blog entry. Iyong hindi ko iisipin kung magra-rank ba ito sa search or kung matutuwa ba si Google sa sinulat ko. Pero more than Google, ang mas mahalaga siguro ay IKAW.
Oo. IKAW. Ikaw na nagbabasa nitong blog ko. Ikaw na buong tiyagang nag-click ng link ko mula sa kung saan mo man ito nakita. Ikaw na kahit nabubwisit na sa kaka-flood ko sa newsfeed mo ay nagki-click pa rin at higit sa lahat nagbabasa. Ikaw na natuwa or napangiti man lang ng kahit anong entry ko rito. Ikaw na natulungan sa mga tips na shinare ko rito.
IKAW. Sana napasaya kita. Sana nga nakatulong ako. Sana nag-enjoy ka. At sana...patuloy mong tangkilikin at paniwalaan ang mga sinusulat ko.
Comments
Post a Comment