CASE #036 | A Laba Story



“BUHOS NA ULAN…BUMUHOS KA…” 


Medyo ganyan ang theme song ng weather natin lately. Although there are days that the sun would come out pero sa hapon biglang uulan.


Kaya naman ang mga Momshies, naloloka na dahil tumatambak na ang labahin sa clothes hamper at namamaho na ang mga damit sa sampayan kasi hindi maisampay sa arawan. Baka nga raw kasi umulan sa hapon. Mahirap makipag-marathon sa ulan kapag nakasalang ang kawali sa kalan o kaya kumukulo ang sinaing.


I can definitely relate sa mga Momshies kahit na technically ay hindi pa naman ako Momshie. Lahat naman siguro halos ng mga wifey ay dakilang labandera ng tahanan.


Don’t worry. This is the solution. Your friendly neighborhood DIY Laundry!


Ano nga ba and DIY Laundry?



Kung hindi kayo masyado lumalabas ng bahay niyo lately, try to go out and stroll around kahit sa neighborhood niyo lang. Para makita niyo ang mga nagsulputang trend sa mga laundry shops lately…Do-It-Yourself Laundry. Ito iyong mga laundry shops na may malalaking washing machine at dryer na either hinilugan ng tokens or ginagamitan ng card. Well, at least sa US para ganun ang set up.





Pero dito sa Pilipinas, babayaran ang per load sa washer at per load sa dryer doon sa attendant na nagbabantay. Iyong attendant ang magta-tap ng card o kaya maghuhulog ng tokens for you para mapagana ang machine.


Paano ba ang DIY Laundry?



It is basically easy to use. The attendant can guide you if you are a first timer. Follow these simple steps:


1. I-load ang labahin sa washer (iyong machine na nasa bandang ibaba). 





2. Maglagay ng liquid detergent, fabric conditioner, at bleach sa rack. May label naman kung saan dapat ilagay ang detergent, fabric conditioner, at bleach. Meron ding marker kung hanggang saan lang ang maximum level na kaya ng machine. Huwag masyadong adik sa detergent at baka hindi mabanlawan ng maayos ng machine ang mga damit. Malagkit at madulas ang kalalabasan ng labada.




3. Siguraduhing nakasarang mabuti ang detergent rack at ang pinto ng washer.


4. Tawagin si Ate/Kuya Attendant para ipa-tap ang card or ihulog ang coins. Sabihin kung gaano katagal na cycle ang gusto niyo. I normally choose iyong pinakamatagal. Mga 30 minutes.







5. Wait for the washer to finish the cycle.


Nasa iyo na iyon kung gusto mo bang magpa-dryer or mas nananalig ka sa bisa ng sampayan. Pero kung ang gusto mo ay matapos ang labahin in one sitting, magpa-dryer ka na rin. Follow these simple steps:





1.       Hanguin ang nalabhang damit mula sa washer.
2.       Ilipat sa bakanteng dryer (iyong machine na nasa ibabaw ng washer).
3.       Siguruhing nakasara ng maigi ang pinto ng dryer.
4.       Tawaging ulit si Ate/Kuya Attendant para ipa-tap ang card or ihulog ang coins.
5.       Wait for the dryer to finish the cycle.



Pagkatapos ng cycle, pwede mo nang kunin ang lahat ng labahin para itupi. May tables and chairs naman nakalaan sa laundry shop para maitupi mo ng maayos ang mga damit. Just make sure na malinis at hindi basa ang papatungan mong surface.



Magkano naman ang DIY Laundry?


Well, depende na iyan sa shop. It costs around Php60-70 per load that weighs around 7 to 10 kg. Washer lang iyon. Sa dryer nasa ganung range din. 





Laging per load ang bayad. Kaya mas mabuti bago ka magpunta sa shop ay i-sort mo na ang mga damit mo. Just like manual laundry, hiwalay pa rin ang puti sa de-kolor. 


You can do two loads: one load for whites and light-colored clothes, and another one for colored and dark ones.


Kung ikukumpara sa mga serviced laundry shops, medyo mas mahal ang DIY laundry. Full service laundry costs around Php25-30 per kilo. Kaso it will usually take 2-3 days to claim your clean clothes.


Pros and Cons



Siyempre may advantages at disadvantages din naman ang DIY laundry. The advantages are as follows:

1.      It would only take you around two hours to finish the entire laundry service (30 mins for washing, 40 mins for drying. The rest for folding). After nun, pwede mo na iuwi ang malilinis na damit at suotin. Swerte mo pa kung wala masyadong pila sa shop at konti lang ang tao.

2.      Effortless. Wala nang effort sa pagsasampay at pagsasamsam. Wala na ring effort sa pagkusot, pagkula, at pagpiga. Kung gusto mo ng total effortless, pwede mo rin naman ipa-full service kay Ate/Kuya Attendant with additional charge. Make sure lang na nai-sort mo na ang mga damit at bigyan mo ng instructions si Kuya or Ate kung ilang load at gaano karaming detergent at fabric conditioner ang gusto mo. Balik ka na lang after 3-4 hours para i-pick-up ang pinalaba mo na nakatupi na rin. Isusuot mo na lang.

3.     You have the total control of how much detergent to use. Unlike sa full service laundry shop na hindi mo sure kung tinipid ba sa detergent ang damit mo at nilunod lang sa fabric conditioner para mag-amoy malinis.

4.     You have the inventory of the clothes you loaded in the washer. Alam mo kung may lumabis, alam mo rin kung may kumulang.

5.     Sigurado kang hindi magkakahalu-halo ang mga damit kasi ikaw mismo ang magsasalang sa machine based on kung paano mo sinort or pinaghiwa-hiwalay.

6.     Maski umuulan, matutuyo at hindi babaho ang damit mo.

7.     Ideal for washing bed sheets, curtains, duvet, comforters, denim pants, jackets, at lahat ng iba pang mabigat na labahin.

8.     Tipid sa kuryente at tubig kasi hindi naman sa kontador niyo ibi-bill ang ginamit mo.


May disadvantages din naman which is as follows:

  1. Hindi kasing puti ng kinula ang mga puti at kapag matindi na ang mga mantsa, hindi basta matatanggal. Kapag ganitong cases, kailangan talaga i-hand wash mo na.
  2. Karamihan sa mga DIY Laundry Shop, bawal ang powder detergent. Kailangan liquid detergent lang kasi masisira iyong machine nila. Mas mahal ang presyo ng liquid detergent vs. powder atsaka hindi rin ganun ka-effective magtanggal ng mantsa.
  3. Madaling mag-shrink, rumupok, at kumupas ang mga damit dahil sa machine at dryer
  4. Prone to himulmol lalo na sa mga itim. Kaya I suggest, dapat lahat ng itim or dark colored clothes nakahiwalay ng load. Huwag niyong hahaluan ng clothes na lighter ang shade or else, iyong himulmol ng lighter shades, mapupunta sa mga dark colored na damit.
  5. Kailangan mong tumunganga sa laundry shop ng dalawang oras para hintaying matapos ang mga cycle. Dagdag pa ang effort na kailangan mong bitbitin ang lahat ng labahin mo papunta sa shop.
  6. Exposed ang dirty laundry mo sa mga kapwa mong nagpapalaba rin. Kaya malalaman ng kasabay mo kung bacon ba o hindi ang mga underwear mo or kung tig-3 for 100 sa Divisoria ang bra mo.
  7. Mas panatag ka sa pagkakabanlaw ng damit mo dahil unlimited piga ka.

Agree naman ako na wala pa ring dadaig sa kuskos-piga at sa damit na pinatuyo sa init ng araw. Maputi, malinis, at mabango naman tala. Don't get me wrong. Favorite chore ko naman ang paglalaba so walang kaso kahit na sa bahay ko gawin. May washing machine din naman kami.





Nanghihinayang lang talaga ako sa time kasi maarte akong maglaba. Kaya matagal at inaabot ng kalahating araw. Atsaka, minsan may nakakasabay ako sa sampayan kaya nagkakaubusan ng space pati na rin hangers. Kaya para sa akin, mas convenient pa rin ang DIY Laundry. 





Additional Tips



To make your laundry experience more fabulous, let me share some tips:


  • Kung bawal ang powder detergent sa shop at bet mo pa ring gumamit ng powder, you can directly put the powder sa machine. Huwag sa detergent rack. Diretso kasama ng mga damit ni-load mo. That way, hindi babara ang residue ng powder sa detergent rack. Pero haluan mo pa rin siyempre ng konting liquid detergent para mag-function pa rin ng tama iyong washer.
  • Kung gusto mong mas maputi ang kalabasan ng whites, ibabad mo muna sa bahay using powder detergent. After an hour or more na pagbabad, pigain mo ang damit at dalhin mon a sa shop for washing.
  •  For deap-seated stains, kusutin mo na rin at ibabad sa bahay iyong part na may mantsa. Para tanggal na iyong stain bago mo paikutin sa washer.
  • Kahit merong mga available basket sa laundry shop for your use, magdala ka na rin ng sarili mo. Para kapag maraming tao, hindi ka mahirapan. Atsaka hindi malukot ang folded clothes.
  • Ayusin mo pagsalang sa dryer ng mga damit. Para hindi masyadong lukot kapag natapos. Konting haplos lang at tupi ng maayos pwede na. Super init kasi ng damit kapag natapos sa dryer. Parang bagong plantsa.

Hindi ako sponsored dito. Pero natuwa ako sa combination nilang dalawa nitong huling laba ko.


Perks of a Labandera



Kanya-kanyang gimik din naman ang mga laundry shop. Merong libreng pa-sounds, meron naman may pa-TV para di ka mainip habang naglalaba. Meron naman free wifi. I think there are even DIY Laundry Shops that serve some snacks, coffee, and other beverages to keep you chilled out while you wait. It all differs on which shop you are gonna visit.


If you’re thinking of good business venture, this DIY Laundry thing could be a hit. Lalo na sa mga bagong tayong condos, malapit sa mga school dorms, or sa mga looban na residential areas. Medyo Malaki nga lang ang investment kasi one washing machine could cost around Php 30,000 and above. Factor in the staff, water, and electricity.


Pero ang libre at pinakamasarap na perks ng isang labandera, ang latest chika mula sa mga chikadorang kapitbhay, approachable at friendly customers, or kahit sa mismong attendants ng shop. 





Kung dati, sa batis at ilog sabay-sabay naglalaba ang mga Momshies para makachika, ngayon level up na! Digital era na raw kasi. DIY laundry na, DIY chika pa. San ka pa?!


For your laundry needs and if you are living around in Pasig, you may check out:


Mr. and Mrs. Laundry
Sterly St. cor. F. Mariano Ave., Dela Paz, Pasig City


Labaminute
Amang Rodriguez Ave. Manggahan, Pasig City (near Manggahan Village and Manggahan Industrial Park)


Pioneer Centre, Pioneer St. corner United and Brixton, Kapitolyo


1839 Pasig Blvd. Rotonda Caniogan


91 East Capitol Drive corner Sta. Clara St., Kapitolyo


C. Raymundo, Pasig City


9 East Capitol Drive corner San Rafael Street, Kapitolyo


#526 Francisco Legaspi St. Brgy. Maybunga, Pasig City, 1607


43 East Capitol Drive, Brgy Kapitolyo


Mercedes Avenue


Centennial 2 Sandoval ave. Brgy. Pinagbuhatan, Pasig


Kenneth Road (Eusebio Avenue) corner Block 17, Pinagbuhatan


Unit D Lot 15A Agapito Subdivision, Along Marcos Highway corner West Yakal Street, Brgy Santolan


Unit A no. 39 Pasig Blvd. cor Sgt. Pascua, Bagong Ilog


Unit C6, Commercial Bldg., Arezzo Place Pasig, Alfonso Sandoval Ave.


1053 Bernal St. Rosario, Pasig


VFC Compound Soliven St. corner MRR St. Manggahan, Pasig


369 Dr. Sixto Antonio Ave., Maybunga,


PC (Pioneer Centre) Supermart 


#235 A. Dr. Sixto Antonio Ave., Caniogan Pasig City


REY Marketing Compound C. Raymundo Avenue Rosario, Pasig


Unit 106 Bldg. L One Oasis Condominium, Ortigas Ave. Extension, Brgy. Sta. Lucia, Pasig


84 J.B Miguel Street, Bambang


42 L.A. Townhomes, San Guillermo Ave., Buting


126 Cluster 1 Flexihomes Brgy. Rosario, Pasig


#1 Evangelista St. cor Pasco Ave. , Santolan (Infront of My Choice Clinic )


Doña Juana Subdivision


Blk 21 mexico st. Cor soliven st. Pasig greenpark villages pasig city


83 R. Jabson Street


M.H del Pilar Street Pinagbuhatan


429 Magsaysay St. Brgy Manggahan


Click here for more.



#




Comments

Popular posts from this blog

CASE #046 | Romantic Evening at Firefly Roof Deck Bar

CASE #047 | Meteor Garden Then and Now